Linggo, Marso 24, 2013
THAT BOY WHO WOULD ACTUALLY SING A SONG FOR YOU TO SLEEP
Ang sweet diba? tatawagan ka niya, kakamustahin at sasabihin sayong matulog ka na. Ngunit, hindi ka makatulog sa di mo malamang dahilan. Hindi ka niya papagalitan. Hindi ka niya sesermunan. Kundi kakantahan ka pa niya. Ang tanging maririning mo sa kabilang linya ay ang kantang inihanda niya para sayo. Para lang sayo. Hindi man siya ganun kagaling kumanta tulad ng mga maririnig mong singer, mararamdaman mo naman ang pagmamahal niya sa bawat lyrics na bibitawan niya. Yung boses niyang humahagod sa puso mo. Hinehele ka hanggang sa makaramdam ka ng antok. Hindi siya titigil sa pagkanta hanggat hindi mo pa ipinipikit ang iyong mga mata. Ang saya no? Dahil boses niya ang pinakahuling narinig mo bago mo muling salubungin ang panibagong umaga bukas.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento