Biyernes, Marso 29, 2013
HOW MANY TIMES
Ilang beses ka magpapakatanga sa isang tao bago mo masabing tama na?
Ilan nga ba? Ilang break up, ilang pagkabasted, ilang pagkataken for granted ang kaya mong tanggapin bago masabing ayoko na, di na kita mahal.
Minsan yun kasi yung nakakainis sa sarili natin eh, mahal natin kaya ibibigay natin lahat. Bibigay mo oras mo, mundo mo, pati ultimo pagkain mo sige halabira kahit ano pang hinhin niya sayo. Pero para sa ano? Para ba yan sa ikabubuti ng lahat o para sa ano? Para ba yan sa ikabubuti ng lahat o para lang sa ikakasakit ng damdamin mo? Sabi ko nga sa mga kaibigan ko nagsabi "Dapat umeffort ka lang sa mga taong handang umeffort sayo. Magpakapraktikal kayo, hindi habang buhay dapat nakahawak na kayo sa isang taong hindi naman nakikita yung halaga mo".
Minsan hindi sapat na mahal mo lang, kailangan mahalin mo din sarili mo. Kasi wala namang ibang tao sa mundo na gagawa para sayo nun, kundi ikaw lang rin naman. Wala naman siya dyan pag iniiyakan mo siya at pag nahihirapan ka na. Naappreciate ba talaga nita pati effort mo? o binabalewala lang niya? Alam mo, may ibubuga ka eh, kaya wag mo lahat ibigay sa kanya. Maghintay ka, maghintay ka para sa tama
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento