Sabado, Marso 30, 2013

BOUQUET OF FLOWERS


Kung gusto mong pakiligin ng bonggang bongga ang mahal mo, bigyan mo siya nyan. Kahit hindi niya birthday, kahit hindi araw ng mga puso, kahit walang okasyon, kahit trip mo lang. Sasaya siya doon at kikiligin siya. Babae eh, Ang sweet kaya tignan kapag may isang lalakeng nagbigay ng rosas sa girlfriend niya, yung tipong lahat ng nakakakita eh kikiligin at feeling nila ay sila yung binibigyan. Eh kung bigyan mo pa ng love letter? Baka dumoble ang kilig niya, mas siguradong magugustuhan niya yan. Bakit? Kasi ang flower saglit lang ang buhay, baka tatlong araw lang ang itatagal at malalagas din yung mga petals. Eh yung love letter? Hindi. Hindi yan masisira, hindi din mag-eexpired pwera na lang kung nasira niya. Ang sweet kapag may nagbibigay ng ganyan sa mahal niya. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento