Sabado, Marso 30, 2013
JEALOUS
Minsan sinasabi natin na ang cute magselos ng mga lalaki. Yung tipong kikiligin pa tayo kasi alam naman natin na nagseselos sila dahil mahal nila tayo. Pero kahit saang anggulo mo tignan, mali yung pinagseselos mo yung taong mahal mo para lang malaman kung mahal ka talaga niya. Wag mong kwestyunin yung pagmamahal na binibigay niya sayo. Magmahal ka lang. Minsan kasi tayo ring mga babae yung may kasalanan madalas. Dahil ang bilis bilis natin palakihin yung mga maliliit na bagay, ang taas ng pride natin kaya lalo lumalaki yung away. Masyado kasing mataas ang mga babae eh, gusto nila sila yung susuyuin kahit pa na sila yung may kasalanan. Wag mong pagselosohin yung mahal mo, dahil baka lalo lang niya isipin na hindi talaga siya para sayo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento