Biyernes, Marso 15, 2013

MAHAL NA PALA KITA


Sa tuwing ngumingiti ka, it means a lot to me. Sa tuwing kausap kita, ang gaan ng pakiramdam ko kasi para bang buong buhay mo ko pinagkakatiwalaan. Sa tuwing nakatingin ka saakin, ang iyong mata ang nagbibigay gaan lood sa akin, Yung puso ko na mabilis na tumitibok sa tuwing kasama at kaharap kita. Sa tuwing magkasama tayo para bang araw araw hinahanap na kita. Na parang kulang na kulang na ang ilang araw na magkasama tayo. Hindi kukumpleto ang araw na di kita nakikita, nakakausap o maka text man lang. Nag iisip kung ano na ginawa mo, kung kamusta ka na, kung kumaen ka na. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Basta ang alam ko hinahanap hanap kita. Ang tanging gusto ng puso't isipan mo ai makita, makasama, at mahalin ka ng higit pa sa meron tayo ngayon.

Pero paano kung mali tong nararamdaman ko? Paano kung hindi din ganito yung nararamdaman mo para sakin? natatakot ako, kinakabahan at siguradong masasaktan kung malalaman kong hindi katulad ng nararamdaman ko, ang nararamdaman mo para sakin at may mahal ka ng iba. Pero ang tanging saya na nararamdaman ko ngayon sa tuwing kausap, kasama at nakikita kita siguro sapat na yun na malaman ko na. "MAHAL NA PALA KITA".

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento