Huwebes, Marso 14, 2013

MASARAP SA FEELING


Masarap sa feeling na ramdam mo na mahal ka din ng taong mahal mo. Masarap sa feeling na pinapaala, niya sayo na mahal na mahal ka niya at wala siyang sinayang na araw na hindi ka niya sinasabihan ng "I LOVE YOU". Masarap sa feeling na dati hindi mo palang siya kakilala hanggang sa naging crush mo lang siya tapos ngayon naging kayo na, naging couple na kayo. Nakakatuwang isipin na yung taong mahal mo ay mahal ka rin pala. Naranasan mo na ba yun? Dati crush mo lang siya, dumating ang araw na mahal mo na pala siya, ang tagal mong may gusto sa kanya, doon ka lang sa tabi at nagmamasid at naging stalker ka pa nga niya eh diba?. Pero dumating yung araw na pinag tulakan ka ng mga kaibigan mo na sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya. Oo nga, nasabi mo na. At ang pinakamasaya pa, may gusto rin pala siya sayo.

Ang sarap sa feeling na ramdam na ramdam mo na mahal ka niya, yung kahit busy siya eh gagawa siya ng paraan para ma-text at makausap mo siya, yung kahit naglalaro siya ay gusto pa din niyang nag-tetext kayo, minsan nga kapag nag-rereview siya ay gusto niya magka-text pa din kayo kasi ikaw daw ang inspirasion niya kung kaya siya ay nakakapag-review ng maayos. Diba, ang sarap sa feeling. Parang nagwawala yung mga paru-paro sa tyan ko kapag pinapakilig niya ako, kapag sinasabi niyang mahal niya ako at pinag kakalat pa niya na kung gaanu ka niya ka mahal.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento