Ang gulo-gulo ng pag-ibig no? Nagkakagusto ka sa isang tao na di mo man lang type or wala nga dun yung mga gusto mo sa isang lalaki. Di mo alam kung paano nangyari pero basta mo na alang mararamdaman. Di mo alam kung ano ba yung nagustuhan mo sa kanya. Wala kang ka ide-idea na nahuhulog ka na pala sa kanya d mo napapansin.
Kahit anong pigil mo at pagsasabi mo sa sarili mo na hindi pwede at kailangan pigilan, lalo naman lumalala. Kapag lalo kang umiiwas, lalong lumalalim yung feelings mo. Plano siguro ni God yun no? Di mo alam kung ano ba ang dahilan niya kung bakit pinahulog ka niya dun sa taong yun. Pwedeng gusto niyang may matutunan ka, baka hindi mo deserve ang gusto mo, pagsubok lang nyan, o baka kasi siya na yung taong nakatadhana para sayo. Hindi mo alam at di mo malalaman dahil hindi mo naman makikita kung ano ang nasa future o kung ano ang mangyayari sa future mo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento