Linggo, Marso 31, 2013

ANG GULO-GULO


Ang gulo-gulo ng pag-ibig no? Nagkakagusto ka sa isang tao na di mo man lang type or wala nga dun yung mga gusto mo sa isang lalaki. Di mo alam kung paano nangyari pero basta mo na alang mararamdaman. Di mo alam kung ano ba yung nagustuhan mo sa kanya. Wala kang ka ide-idea na nahuhulog ka na pala sa kanya d mo napapansin.

Kahit anong pigil mo at pagsasabi mo sa sarili mo na hindi pwede at kailangan pigilan, lalo naman lumalala. Kapag lalo kang umiiwas, lalong lumalalim yung feelings mo. Plano siguro ni God yun no? Di mo alam kung ano ba ang dahilan niya kung bakit pinahulog ka niya dun sa taong yun. Pwedeng gusto niyang may matutunan ka, baka hindi mo deserve ang gusto mo, pagsubok lang nyan, o baka kasi siya na yung taong nakatadhana para sayo. Hindi mo alam at di mo malalaman dahil hindi mo naman makikita kung ano ang nasa future o kung ano ang mangyayari sa future mo.

GOODBYE


I thought that I would be that happy but I came to the point that this couldn't be that I need to stop hoping of having me and you but then I realize that I shouldn't, because if you surely loved me there is no reason to give up and loose hope. But then why is it that I can't feel your love no more?, because if you surely loved me I shouldn't have doubts. I sometimes feel like I'm being played that your just fooling me. And now I'm tired of all this foolishness. It was you who told me that our love is a don't so why do you still bother to be sweet, when you don't even have the plan of having me in your life? because I'm tired of being cheated I don't want to love you but still I can't.

I'm full of all this pretending's, maybe I should end my love for you, even if how hard it is to do I really should. I need to end all my fantasies because if this is a fairytale, I might be the princess but you are not my prince, I might be Juliet but you are not my Romeo, And I might be Rose but you are not my Jack. So this love needs to bid GOODBYE.

THIS


Dadating yung araw na ikaw nalang yung madalas magttext. Dadating  yung araw na yung mga pagkahaba habang rely niya sayo, ngayon hindi na umaabot ng 3 words. Malay mo isang araw, indi na siya singsweet nung dati. Yung 20x na pag iiloveyou niya sayo isang araw ngayon isang beses na lang, minsan nga hindi na. Yung pagaalala niya na, "Kumain ka na ba?" o kaya naman, "Okay ka lang ba?" Malay mo isang araw, hindi ka na niya tatanungin nun. Hindi na siya yung nakilala mo noon na sobrang caring at sobrang bait. Yung tao na nasasandalan mo, dahil madalas, puro away nalang kayo. Dadating yung araw na hindi niyo na gagawin yung mga bonding niyo noon kasi tinatamad daw siya. Yun bang, dumadating na sa puntong ikaw nalang yung umiintindi, ikaw nalang yung nag eefort, ikaw nalang yung umaako ng lahat. Dumadating sa puntong ikaw nalang yung nagmamahal. Pilit kang kumakapit, habang siya, bumibitaw na.

Kaya habang nandiyan siya, habang mahal ka niya, wag mong sayangin yung mga oras na yun. Wag mo sayangin yung mga oras na yun. Wag mo siyang dedmahin kapag nag eefort siya sayo, wag mong dedmahin kapag nagiging sweet siya. Iappreciate mo lahat. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, nasa magandang lagay yung relasyon niyo. Hindi habambuhay, puro sweet at saya lang. Mahalin mo siya. Dahil kung hindi mo papansinin, baka isang araw, mawala nalang siya at magsawa na.

Sabado, Marso 30, 2013

BOUQUET OF FLOWERS


Kung gusto mong pakiligin ng bonggang bongga ang mahal mo, bigyan mo siya nyan. Kahit hindi niya birthday, kahit hindi araw ng mga puso, kahit walang okasyon, kahit trip mo lang. Sasaya siya doon at kikiligin siya. Babae eh, Ang sweet kaya tignan kapag may isang lalakeng nagbigay ng rosas sa girlfriend niya, yung tipong lahat ng nakakakita eh kikiligin at feeling nila ay sila yung binibigyan. Eh kung bigyan mo pa ng love letter? Baka dumoble ang kilig niya, mas siguradong magugustuhan niya yan. Bakit? Kasi ang flower saglit lang ang buhay, baka tatlong araw lang ang itatagal at malalagas din yung mga petals. Eh yung love letter? Hindi. Hindi yan masisira, hindi din mag-eexpired pwera na lang kung nasira niya. Ang sweet kapag may nagbibigay ng ganyan sa mahal niya. 

REALITY


REALITY OF FEAR

You're not afraid of the dark, you're scared of what's inside.
You're not afraid of heights, you're afraid of falling.
You're not afraid of the people around you, you're just afraid of rejection.
You're not afraid to love, you're just afraid of not being not loved back.
You're not afraid to let go, you're just afraid to accept the reality that he's gone.
You're not afraid to try again, you're just afraid of getting hurt for the same reason.

JEALOUS


Minsan sinasabi natin na ang cute magselos ng mga lalaki. Yung tipong kikiligin pa tayo kasi alam naman natin na nagseselos sila dahil mahal nila tayo. Pero kahit saang anggulo mo tignan, mali yung pinagseselos mo yung taong mahal mo para lang malaman kung mahal ka talaga niya. Wag mong kwestyunin yung pagmamahal na binibigay niya sayo. Magmahal ka lang. Minsan kasi tayo ring mga babae yung may kasalanan madalas. Dahil ang bilis bilis natin palakihin yung mga maliliit na bagay, ang taas ng pride natin kaya lalo lumalaki yung away. Masyado kasing mataas ang mga babae eh, gusto nila sila yung susuyuin kahit pa na sila yung may kasalanan. Wag mong pagselosohin yung mahal mo, dahil baka lalo lang niya isipin na hindi talaga siya para sayo.

Biyernes, Marso 29, 2013

HOW MANY TIMES


Ilang beses ka magpapakatanga sa isang tao bago mo masabing tama na?

Ilan nga ba? Ilang break up, ilang pagkabasted, ilang pagkataken for granted ang kaya mong tanggapin bago masabing ayoko na, di na kita mahal.

Minsan yun kasi yung nakakainis sa sarili natin eh, mahal natin kaya ibibigay natin lahat. Bibigay mo oras mo, mundo mo, pati ultimo pagkain mo sige halabira kahit ano pang hinhin niya sayo. Pero para sa ano? Para ba yan sa ikabubuti ng lahat o para sa ano? Para ba yan sa ikabubuti ng lahat o para lang sa ikakasakit ng damdamin mo? Sabi ko nga sa mga kaibigan ko nagsabi "Dapat umeffort ka lang sa mga taong handang umeffort sayo. Magpakapraktikal kayo, hindi habang buhay dapat nakahawak na kayo sa isang taong hindi naman nakikita yung halaga mo".

Minsan hindi sapat na mahal mo lang, kailangan mahalin mo din sarili mo. Kasi wala namang ibang tao sa mundo na gagawa para sayo nun, kundi ikaw lang rin naman. Wala naman siya dyan pag iniiyakan mo siya at pag nahihirapan ka na. Naappreciate ba talaga nita pati effort mo? o binabalewala lang niya? Alam mo, may ibubuga ka eh, kaya wag mo lahat ibigay sa kanya. Maghintay ka, maghintay ka para sa tama

I KNOW THAT I SHOULD LET GO, BUT I CAN'T


I should stop caring. I should stop trying to put effort into people. I should stop trying to worry about everyone else, when all they do id hurt me. I should stop thinking about the people who don't think about me. I should stop trying  to keep people in my life, when they just want to walk out. I should stop wasting my time on all these people. I should stop putting myself out there so I don't get hurt, BUT I CAN'T.


YAKAP


Ang sarap sa pakiramdam kapag niyakap ka ng taong mahalaga sayo ng sobrang higpit na para bang hindi ka na niya pakakawalan pa. Ang sarap sa feeling diba? Lalo na yung alam mong mahal na mahal ka niya at bawat yakap niya sayo alam mong totoo. Ang sarap lang sa pakiramdam na ayaw kang pakawalan ng taong ayaw mo ding mawala sa buhay mo kahit kailan. Pero ang mas sarap yung niyakap ka niya sa harapan ng maraming tao at wala siyang paki alam sa mga sabi sabi ng ibang tao sa inyong dalawa yun ang pinaka masarap sa pakiramdam. 

FORGET THE PAST AND MOVE ON


Kaya nga past diba? Nakaraan. Kahit gaano kaganda o kapangit ang past eh kailangan na nating e-let go ito. Pwedeng pwede natin alahanin pero wag na nating kapitan. Wag na tayo magstay. Kasi kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik yan. Tapos na yan eh. Tandaan nalang natin na kung ano tayo ngayon, eh dahil sa past natin yun. Pinaiyak man tayo, pinahirapan, sinaktan o niloko, pero pinalakas din tayo nito. Tinuruan tayo ng mga lesseons para mas maging better tayo sa present at future natin.

SET THEM FREE?

PAGPAPARAYA?

Yan na yung kunwaring paglimot mo sa nararamdaman mo sa kanya at tuluyang palayain para sa kaligayahan niya? Yung tipong nakangiti ka habang sinasabihan mo siya ng " I WISH YOU ALL THE BEST" pero ang totoo ay ayaw mong bitawan ang kamay niya. Pinapakita mo sa kanya na wala lang ang paglayo niya, pero ang totoo sobrang sakit na makita mo siyang magiging masaya dun sa taong mas mahal niya. Yung gusto mong lumuhod sa harap nita para lang ikaw ang piliin niya pero mas pinili mong makipag-kamay sa taong pinili niyang makasama.

THE MOST IMPORTANT THINGS ARE THE HARDEST TO SAY


Totoong mahirap sambitin ang nararamdaman mo para sa atong mahal mo. Hindi ka rin naman nila masisisi kung sobrang tagal bago ka makaipon ng lakas ng loob para ilabas ang lahat ng ito, pero hiling ko lang sana na huwag sobrang tagal. Hindi mo rin kasi masasabi baka maunahan ka o makaramdam ng pagod bigla ang babae malay mo may pagtingin rin siya sayo na sa sobrang katorpehan mo hindi mo namamalayan. Kaya kapag may gusto ka sabihin mo, pag mahal mo sabihin mong mahal mo, sumugal ka, alam mo kung bakit? kung kinatatakot mong mawala yang taong yan sayo at kund mawala man siya dahil sa mahal mo siya ibigsabihin lang nun hindi siya nararapat sa buhay mo at nararamdaman mo para sa kanya. Pumalag ka kapag may pagkakataoon, mas masakit matalo ng hindi lumalaban.

Linggo, Marso 24, 2013

ITS YOU, ITS ALWAYS BEEN YOU


Hindi mo naman talaga alam kung bakit mo nagugustuhan yung isang tao. Minsan nga yung kaaway mo, siya pa yung nagugugtuhan mo. Dahil kung sinasadya mo na magustuhan siya, hindi galing sa puso yun. Pero yung kapag naramdaman mo nalang yung pakiramdam na kinikilig ka kapag nandiyan siya, yung hindi nabubuo yung araw mo kapag hindi mo siya nakikita. Matatanong mo nalang sa sarili mo. " May gusto ba ko sa kanya?" Yun ang love. Kasi hindi mo ineexpect eh, tadhana ang may sala. Tapos dumadating sa pagkakataon na nag a-assume ka. Taposnalaman mo, may iba siyang gusto. Masasaktan ka. Magiging insecure ka. Nagagalit ka at tinatanong mo sa sarili mo, "Bakit ko ba siya gusto?" Ganyan talaga, maaagaw ng atensyon mo kasi palagi yung taong nagpapapansin sayo.

TRUTH HURTS


Palaging masakit ang katotohanan. Pero ang maganda doon ay nalalaman natin ang totoo, kasi mas masakit naman kung lahat naman pala ay pagsisinungaling lang diba?. Mas okay na yung bibiglain ka atleast kaya mo pang e-handle. Pero yung tipong umaasa ka pa, yun pala niloloko ka lang, mas masakit yun. Diba nga kapag tinatanong tayong kaibigan natin na, "May sasabihin ako sayo, kaso baka magalit ka." ang palagi nating sinasagot, " Mas magagalit ako kung hindi mo sasabihin." Syempre mas masakit kapag hindi natin nalaman. Yung tipong manggagaling pa sa ibang tao, imbis sa kanya. Mas mahirap tanggapin.

THAT BOY WHO WOULD ACTUALLY SING A SONG FOR YOU TO SLEEP


Ang sweet diba? tatawagan ka niya, kakamustahin at sasabihin sayong matulog ka na. Ngunit, hindi ka makatulog sa di mo malamang dahilan. Hindi ka niya papagalitan. Hindi ka niya sesermunan. Kundi kakantahan ka pa niya. Ang tanging maririning mo sa kabilang linya ay ang kantang inihanda niya para sayo. Para lang sayo. Hindi man siya ganun kagaling kumanta tulad ng mga maririnig mong singer, mararamdaman mo naman ang pagmamahal niya sa bawat lyrics na bibitawan niya. Yung boses niyang humahagod sa puso mo. Hinehele ka hanggang sa makaramdam ka ng antok. Hindi siya titigil sa pagkanta hanggat hindi mo pa ipinipikit ang iyong mga mata. Ang saya no? Dahil boses niya ang pinakahuling narinig mo bago mo muling salubungin ang panibagong umaga bukas.

I LOVE YOU



Love was all i know in everytime I stare at you. I can say that I'm really inlove in a million times, the first time is when  I fall inlove with you and the rest is everytime I look at you. Whatever I do it couldn't be change even if I have to deny it a hundred times there is no way to hide it. Maybe because there is a bunch of reasons on why I love you. Loving you this much is ain't my plan. In everyday I think of you, if what's on your mind or if that heart of yours beats my name. Even just two days away from you could make me miss you.

When you touch me it feels like I'm loosing my breath away, its even like telling me to die. I hate it when you smile because you're damn stealing my heart. When you stare at me i feel like melting. When you had loved me back its a wish came true. Everytime I'm with you my day is really complete. Having your hands holding mine is really a breath taking time.

Biyernes, Marso 15, 2013

MOVE ON


He broke up with you, right? After telling you he loved you and calling you pet/crazy names like honey, baby, sweetheart, cutie-pie, honey-bunch and etc. I know he lavished you in compliments, only to put himself down so you would stroke his fake low ego. Did he tell you that you mere beautiful? I bet he promised you a personalized song or maybe he'd always mention how he was lying in bed and wished you were there. He dragged "I LOVE YOU" out of you, didn't he? Yeah!, don't deny it. He would talk to you last thing at night and first thing in the morning. He constantly mentioned losing sleep over you, every night, but we both know he slept like a rock. He made you love pictures that were just sort of "BLAH" before. Did you delete those pictures, after he broke your heart? Yeah, me too. All of your friends hate him now, don't they? Remember, how happy they were for you, they warned you. Just remember, it's okay to cry. And referring to him as "ASSHOLE" is perfectly expected because, trust me, you'll end up talking about him. Just as often, if not more than before the break up.

There will be the one times and the one remembers, and once you think you're over him, watch out, you better keep your eyes closed in the hallways, because I promise you, the next time you see him, he;ll be all over you some other girl. A little part of you will warn her, but nobody will blame you for hating her and for blaming her for your pain. Yeah, yo'll compare all guys to him because aside from man-whorish heart-breaker thing, he was everything you had ever wanted. Or maybe you made that up.

Maybe, the second he started to show interest, you made up this perfect guy in your head and he just happened to be just like him. Listen, you will find the perfect guy for you just like everybody says you will and it will be sooner. Okay!, So I didn't believe it either, but i'm starting to. The most important thing though is don't let him know he hurt you. Don't let him know he could have you back in a heartbeat. Don't give him that satisfaction. Make him think you're completely happy. When he decides to wave at you like nothing ever happened, wave back, sure. But don't smile at him. Make him think he meant as little to you, as you obviously meant to him.

MAHAL NA PALA KITA


Sa tuwing ngumingiti ka, it means a lot to me. Sa tuwing kausap kita, ang gaan ng pakiramdam ko kasi para bang buong buhay mo ko pinagkakatiwalaan. Sa tuwing nakatingin ka saakin, ang iyong mata ang nagbibigay gaan lood sa akin, Yung puso ko na mabilis na tumitibok sa tuwing kasama at kaharap kita. Sa tuwing magkasama tayo para bang araw araw hinahanap na kita. Na parang kulang na kulang na ang ilang araw na magkasama tayo. Hindi kukumpleto ang araw na di kita nakikita, nakakausap o maka text man lang. Nag iisip kung ano na ginawa mo, kung kamusta ka na, kung kumaen ka na. Hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Basta ang alam ko hinahanap hanap kita. Ang tanging gusto ng puso't isipan mo ai makita, makasama, at mahalin ka ng higit pa sa meron tayo ngayon.

Pero paano kung mali tong nararamdaman ko? Paano kung hindi din ganito yung nararamdaman mo para sakin? natatakot ako, kinakabahan at siguradong masasaktan kung malalaman kong hindi katulad ng nararamdaman ko, ang nararamdaman mo para sakin at may mahal ka ng iba. Pero ang tanging saya na nararamdaman ko ngayon sa tuwing kausap, kasama at nakikita kita siguro sapat na yun na malaman ko na. "MAHAL NA PALA KITA".

Huwebes, Marso 14, 2013

MASARAP SA FEELING


Masarap sa feeling na ramdam mo na mahal ka din ng taong mahal mo. Masarap sa feeling na pinapaala, niya sayo na mahal na mahal ka niya at wala siyang sinayang na araw na hindi ka niya sinasabihan ng "I LOVE YOU". Masarap sa feeling na dati hindi mo palang siya kakilala hanggang sa naging crush mo lang siya tapos ngayon naging kayo na, naging couple na kayo. Nakakatuwang isipin na yung taong mahal mo ay mahal ka rin pala. Naranasan mo na ba yun? Dati crush mo lang siya, dumating ang araw na mahal mo na pala siya, ang tagal mong may gusto sa kanya, doon ka lang sa tabi at nagmamasid at naging stalker ka pa nga niya eh diba?. Pero dumating yung araw na pinag tulakan ka ng mga kaibigan mo na sabihin ang nararamdaman mo para sa kanya. Oo nga, nasabi mo na. At ang pinakamasaya pa, may gusto rin pala siya sayo.

Ang sarap sa feeling na ramdam na ramdam mo na mahal ka niya, yung kahit busy siya eh gagawa siya ng paraan para ma-text at makausap mo siya, yung kahit naglalaro siya ay gusto pa din niyang nag-tetext kayo, minsan nga kapag nag-rereview siya ay gusto niya magka-text pa din kayo kasi ikaw daw ang inspirasion niya kung kaya siya ay nakakapag-review ng maayos. Diba, ang sarap sa feeling. Parang nagwawala yung mga paru-paro sa tyan ko kapag pinapakilig niya ako, kapag sinasabi niyang mahal niya ako at pinag kakalat pa niya na kung gaanu ka niya ka mahal.

Miyerkules, Marso 6, 2013

WALANG TAONG TAKOT MAGMAHAL


Para sa akin, wala naman talagang takot magmahal eh, masarap sa pakiramdam ang in love. Yung tipong pag gising mo sa umaga, atat na atat ka ngumiti at tumayo dahil alam mong may inspirasyon ka. Yung parang walang dahilan para sumimangot ka. Masarap sa pakiramdam ang in love. Lalo na kung yung taong mahal mo, mas mahal ka.

Walang takot magmahal, oo takot masaktan ang dami. Kase naman ang dami ng mga manloloko at tarantado sa panahon ngayon eh. Minsan, iniisip ko kung ba't kailangan nila masaktan. Eh ang tanging ginawa lang naman nila ay ang mahalin sila ng tudo at totoo. Si God madaming reasons. Kase bawat may nangyayare, may kasagutan. Kapag ipinilit mo ang hindi dapat, masasaktan ka. Yun yung way niya para ipaalam sayo na hindi siya para sayo.

GANYAN KAMI


Ganyan kaming mga babae. Yung tipong pag sinabihan kami ng mga masasakit na salita nung mahal namin, hindi talaga nawawala sa isip namin yun. Lalo na yung mga salitang "NAKAKASAWA NA", "DI NA KITA MAHAL", "MAG BREAK NA TAYO" etc. Kaya sana kayong mga lalaki wag kayong padalos dalos mag bitaw ng masasakit na salita samin. Tapos sa bandang huli babawiin niyo dahil joke lang yun o di kaya na dala lang kayo sa inyong emosyon. Eh hindi naman ganun kadaling kalimutan yung mga salitang yan kasi nasasaktan din naman kami kahit na joke lang sa inyo lahat yun.

ARE YOU TIRED?


Kapag nagmamahal ka, normal at natural ang mapagod. Pero kung tunay yang pagmamahal mo, kahit nakakaramdam ka ng pagod, hinding hindi mawawala o mababawasan ang pagmamahal mo para sa isang tao.

Hindi dahil nakaramdam ka ng pagod iisipin mo agad ang sumuko na lang. There would always be trials in a relationship. Temptations everywhere. If you're feeling tired and alone maybe because you think he/she doesn't care anymore, talk it out. Never decide on your own because you might regret that wrong decision at the end.

YUNG GUY


  • Yung guy na ngingiti pag nakita ako.
  • Yung guy na itetext ako once na may load siya.
  • Yung guy na marunong umappreciate ng effort ko.
  • Yung guy na hindi babalewalain ang isang tulad ko.
  • Yung guy na marunong magsabi ng tapat.
  • Yung guy na alam kung ano ang dapat at ano ang hindi dapat.
  • Yung guy na malungkot pag nasasaktan ako.
  • Yung guy na papangitiin ako.
  • Yung guy na pakikinggan ako.
  • Yung guy na patatahanin ako.
  • Yung guy na kukumpleto ng araw ko.
  • Yung guy na bubuo ng buhay ko.
  • Yung guy na marunong magtampo pag nagkulang ako sa kanya pero hindi dahilan yun para iwan niya ako.
  • Yung guy na hindi titingin sa iba kasi alam niya na magseselos ako.
  • Yung guy na mananatili sa aking tabi.
  • Yung guy na hindi makasarili.
  • Yung guy na may nakakatunaw na ngiti.
  • Yung guy na nagpapacute pag nandiyan ako pero hindi malandi na katulad ng iba.
  • Yung guy namarunong umintindi.
  • Yung guy na ako ay ipagmamalaki.
  • Yung guy na hindi ako iiwan hanggang sa huli.
  • Yung guy na marunong magtimpi.
  • Yung guy na ipaglalaban ako.
  • Yung guy na MAMAHALIN ako.
Yung guy na walang alam kundi ang MAHALIN ako, MAMAHALIN ako at PINAKAMAMAHAL niya.

Simple lang naman ang gusto ko at yun ay ang magkaroon ng guy na katulad nito "YUNG GUY NA MARUNONG MANGAKO PERO KAILAN MA'Y HINDING HINDI MAPAPAKO".

Martes, Marso 5, 2013

THE END OF LOVE


Sana hindi dumating sa puntong ganito, yung THE END na lang bigla lahat. Yung mamimiss mo na lahat lahat ng memories niyo na magkasama. Maiiyak ka na lang kase namimiss mo na yung mga ginagawa niya na nakakabubuo sa araw mo. Sana hindi dumating sa puntong yun no? Kase masaya ka na, kumpleto ka na tapos biglang nawawala? Ang sakit din kase isipin diba? Ang sakit aminin na pwedeng mamaya lahat ng sa inyo ngayon. Yung wala ka ng magawa kung di maging ready na pwedeng mamaya lang kunti wala na siya sa tabi mo, na pwedeng hindi ka na niya mahal mamaya. Rineready mo naman yung sarili mo pero sa bandang huli masasaktan ka pa din.

SANA AKO NALANG


Ano ang disadvantage pag alam mong walang "KAYO" pero ang sweet niyo sa isa't isa?

1. Magseselos ka pero kahit na gusto mo sabihin sa kanya yun pero hindi mo magawa kasi alam mong wala kang karapatan kasi hindi naman kayo ng mahal mo, hindi bawal sa kanya yung makipagechos ka sa iba.

2. Pag may taong kang pinagseselosan, hindi mo siya masasabihan na layuan yung taong mahal mo. Hindi naman niya obligadong sundin ka sa lahat ng gusto mo kasi hindi naman kayo ng mahal mo. Hindi mo siya madidiktahan kung sino yung dapat na kakausapin niya at kung sino yung hindi.

3. Puro sweet messages kaya sa isa't isa, puro lambingan pero hindi kayo. Wala kayong pinaghahawakan sa "RELASYON" niyo kaya possible na maglalaho na lang siya bigla na parang bula, at mawawala na lang siya na walang paalam.