Wag na wag mong iiwan ang yung girlfriend ng dahil sa isang away na lumaki lang dahil hindi kaagad kayo nagkabati, ng dahil sa isang tampuhan na pagitan sa inyong dalawa. Wag na wag mo siyang iiwan kung ganon lamang ang rason, wag na wag mo siyang iiwan kahit may mahal na siyang iba, ipilit mo pa din, kasi kung mahal mo talaga siya hindi mo siya papakawalan, kahit sobrang sakit na, lalaban ka pa din para mabalik siya sayo. Wag na wag mo siyang sasaktan para hindi ka niya iwanan.
Wag na wag mong iiwan yung boyfriend mo ng dahil madami siyang ginagawa lang at nawawalan na siya ng oras sayo, ng dahil lamang sa pagseselos mo sa mga kaibigan niya, ng dahil lamang nawala ang tiwala mo sa kanya. Wag na wag mo siyang iiwan ng dahil lamang mas madaming oras siyang binibigay sa paglalaro kesa sayo. Wag na wag mo siyang iiwan. Wag na wag mo siyang iiwan ng dahil lamang feeling mo na hindi ka na niya mahal, mahal ka pa din yan, siguro ngayon hanggang sa salita lang kasi ang dami nga niyang ginagawa, pero mapapatunayan din niya yan na mahal na mahal ka nga niya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento