Martes, Abril 23, 2013

HOPELESS BUT HOPING


"Kasi hanggang ngayon umaasa pa ako."

 Kulang na lang eh gawin mong hobby ang umasa. Pero bilib ako sa mga taong ganito, na kahit pinamumukha na sa iba na napakatanga nila para maghintay sila sa wala, pero ayan parin sila naghihintay at patuloy na umaasa. Masasabi kong ito yung mga taong malakas ang loob at palaban. Mahusay yan! dahil binibigyan mo lang ng sahilan ang sarili mo para lalo ka pang maging matibay sa mas komplikadong sitwasyon na posible mo pang pagdaanan. Walang masama sa umasa, nagmahal ka lang naman ng taong hindi ka mahal eh. Eh ano ngayon kung hanggang ngayon umaasa ka pa? Eh mahal mo pa eh. Minsan kasi, hindi mo namamalayan, kusa ka na lang titigil. Pero kung nagrereklamo kang nasasaktan ka, aba'y problema mo na yan. Asa ka kasi ng asa sa wala, alam mo namang walang kahahantungan patuloy ka rin, yan tuloy na pala mo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento