Miyerkules, Abril 3, 2013

NEVER EVER GIVE UP


Never ever give up on someone you love. Kung mahal mo talaga ang isang tao, hinding hindi mo siya kayang isuko, wag mong isipin na depende kasi yun sa sitwasyon o kaya depende din sa mga pwedeng mangyari. O baka kasi may iba pa yung nararamdaman namin sa isa't isa. Alam mo bang nangyayari lang yun sa isang kadahilanan. Dahil nagmahal ka ng hindi ka handa. Look, isipin mo, kapag talagang gusto mo ang isang bagay. Hinding hindi mo to bibitawan diba? lalo na kapag sobrang halaga nito sa buhay mo. Ganun din sa pag-ibig, na kahit anong mangyari hinding hindi mo siya isusuko. Oo pwede may mga mangyari, pwede pa mabago, pero ikaw yan eh, ikaw nagmamahal ikaw magdedesisyon, problema at pagsubok? darating at darating yan.

Isang pagsubok lang yun kung saan titignan kung hanggang kaya mo. Kung ikaw ay titibay after mong malagpasan ang mga yun. Oh susuko ka dahil sa hindi mo na kaya? Oo masamang lumaban sa hindi na karapat dapat ilaban. Pero mas masama kung isusuko mo ito ng ganun ganun lang kadali.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento