Martes, Abril 23, 2013

THEY SAY IF YOU LOVE SOMEONE, YOU SHOULD LET THEM GO


"Kung mahal mo talaga siya, pakawalan mo siya, pag bumalik siya, sa'yo talaga siya."

If you love someone, set him/her free. If he/she comes back to you, he's/she's your? I dont think so. Mahal mo nga eh, bakit mo papakawalan? Sayo na nga ile-let go mo pa? Tanga ka ba? Tandaan, totoong buhay to. Hindi yan yung love story na alam mo sa mga nababasa't napapanood mo. Na kapag nasaktan kayo at ikaw ang kumawala, eh magmamakaawa siyang bumalik sayo. Wala ka sa fairy tale. Wala ka sa mga teleserye.

Sa tingin mo babalik pa siya sayo matapos mo siyang paiyakin at saktan? At sa tingin mo babalik yan sayo matapos mo siyang binitawan at pinakawalan? Kalokihan yan! Desisyon mong mahalin siya, na kahit anong tindi ng pag-aaway o problema niyo, ipaglaban mo siya. Mahal mo eh diba? Kung iiwan mo siya, talagang hindi siya para sayo. Kung mahal mo naman kasi ang isang tao, ipaglalaban mo siya, mamahalin mo siya, iingatan at higit sa lahat, hindi mo siya bibitawan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento