Lunes, Abril 1, 2013

BEST FRIEND


Yung inlove ka sa best friend mo tapos siya inlove din sa iba.

Ito na ung kadalasang nangyayari ngayon sa mundo. Na yung sa sobrang malapit ka na sa tao eh dumating sa puntong nahuhulog ka na sa kanya. Ayos lang naman sana kung siya gusto ka rin pero yung masaklap lang eh iba yung gusto ng taong mahal mo. Wala ka pang lakas ng loob na sabihin yung nararamdaman mo. Lage mong pinapakita sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya.

At yung mas masakit pa talaga eh yung dumarating sa puntong, ikaw pa yung una niyang takbuhan kapag kailangan niya ng advises para magustuhan siya ng taong gusto niya. Tapos malalaman mo nalang isang araw, effective yung pinagsasabi mo. Kunwari ang saya-saya mo, pero deep inside. Durog na durog ka na pala.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento