Martes, Abril 23, 2013

THEY SAY IF YOU LOVE SOMEONE, YOU SHOULD LET THEM GO


"Kung mahal mo talaga siya, pakawalan mo siya, pag bumalik siya, sa'yo talaga siya."

If you love someone, set him/her free. If he/she comes back to you, he's/she's your? I dont think so. Mahal mo nga eh, bakit mo papakawalan? Sayo na nga ile-let go mo pa? Tanga ka ba? Tandaan, totoong buhay to. Hindi yan yung love story na alam mo sa mga nababasa't napapanood mo. Na kapag nasaktan kayo at ikaw ang kumawala, eh magmamakaawa siyang bumalik sayo. Wala ka sa fairy tale. Wala ka sa mga teleserye.

Sa tingin mo babalik pa siya sayo matapos mo siyang paiyakin at saktan? At sa tingin mo babalik yan sayo matapos mo siyang binitawan at pinakawalan? Kalokihan yan! Desisyon mong mahalin siya, na kahit anong tindi ng pag-aaway o problema niyo, ipaglaban mo siya. Mahal mo eh diba? Kung iiwan mo siya, talagang hindi siya para sayo. Kung mahal mo naman kasi ang isang tao, ipaglalaban mo siya, mamahalin mo siya, iingatan at higit sa lahat, hindi mo siya bibitawan.

HOPELESS BUT HOPING


"Kasi hanggang ngayon umaasa pa ako."

 Kulang na lang eh gawin mong hobby ang umasa. Pero bilib ako sa mga taong ganito, na kahit pinamumukha na sa iba na napakatanga nila para maghintay sila sa wala, pero ayan parin sila naghihintay at patuloy na umaasa. Masasabi kong ito yung mga taong malakas ang loob at palaban. Mahusay yan! dahil binibigyan mo lang ng sahilan ang sarili mo para lalo ka pang maging matibay sa mas komplikadong sitwasyon na posible mo pang pagdaanan. Walang masama sa umasa, nagmahal ka lang naman ng taong hindi ka mahal eh. Eh ano ngayon kung hanggang ngayon umaasa ka pa? Eh mahal mo pa eh. Minsan kasi, hindi mo namamalayan, kusa ka na lang titigil. Pero kung nagrereklamo kang nasasaktan ka, aba'y problema mo na yan. Asa ka kasi ng asa sa wala, alam mo namang walang kahahantungan patuloy ka rin, yan tuloy na pala mo.

Biyernes, Abril 19, 2013

LOVE IS BLIND


 Pag nagmahal ka nga naman. Hindi mo na alam kung tama o mali yung ginagawa mo, parang lahat kasi tama. Sa pag-ibig kasi nagiging bulag tayo. Yung kahit mali na, para sa atin tama pa din. Things we do for love nga naman. Yung kahit nasasaktan ka na, gagawin mo pa din dahil alam mong yun ang ikakasaya nung taong mahal mo.Yung kahit nakakababa na ng dignidad gagawin moa din, dahil alam mong hindi mo siya kayang mawala. Yung kahit magmukha ka ng tanga, maging ayos lang kayo gagawin mo talaga. Yung hindi mo alam kung anong pipiliin o gagawin mo. Kung ipaglalaban mo pa ba siya o ile let go na lang. Ang hirap kasi hindi mo na alam kung ano yung tamao mali. Kahit pa sabihin mong matalino ka, magiging bobo ka talaga sa pag-ibig. Kaya nga sinasabi nila na utak yung sundin natin kesa sa puso diba, kasi ang puso siya ang nagpapumpng dugo at nagbibigay ng oxygen sa ating vitalsign para gumana ang ating katawan at syempre para tayo mabuhay at yun ang utaknatin ang nagsasabi ng emotion natin at yunna ang tinatawag na love. Yung iba sinasabi na follow your heart, pana kung iba yung sinasabi ng utak? Sundin mo ang utak mo kung ayaw mong masaktan at kung gusto mo ng ikakabuti ng lahat pero kung gusto mo namang lumigaya kahit nagmumukha ka ng tanga, sundin mo ang puso mo.

YOU


Napakadaming tao ang bunubuo sa mundong gina galawan nayin. Kaya na realizeko na isa ako sa mga taong pinakaswerte dahil nakilala ko ang bubuo naman sa buhay ko at alam ko na hindi masasayang ang pagkakataong ibinigay sa akin ng Diyos dahil alam ko na deserve ko ang pagmamahal niya.

Iingatan ko siya dahil sa dinami-dami ng taong pwede kong makilala siya pa na tatanggapin ang buong pagkatao ko. Oo, mahirap nga na mahanap kung sino talaga yung totoong para sayo. Pero alammo ba na pagdating mo daw ng 16 years old. 80% chance na nakita mo na ang nakatadhana para sa iyo.

Maaring pumikit ka lang, maaring lumingon ka lang sa iba. Kaya hindi mo pa siya nakikita. O baka kaibigan mo na siya ngayon at pagdating ng araw siya palaang magiging husband/wife mo kung tawagin. Pero kung hindi mo pa nahahanap talaga yung totoong para sayo. Just wait dadating din yun.

PERFECT


Alam mo yung isa sa masayang part ng relasyon? Yung lambingan niyo. Dun mo kasi mararamdaman yung love niyo sa isa't isa eh. Yun bang parang kayong magkaibigan na inlove sa isa't isa. Magkaibigan ng gumagawa ng mga kabaliwan. Iba kadi yung pakiramdam na hindi niyotinatanggal yung pagiging magkaibigan niyo sa relasyon ninyo. Kasi mahalaga yun. Hindi lang basta boyfriend/girlfriend mo siya kundi bestfriend ka rin niya. Dapat handa kang tulungan siya sa mga hirap niya. Dapat ikaw yung sumasakay sa mga trip niya, yung nakakaalam ng mga sikreto niya. Atleast kung sakaling dumating kayo sa pagkakataong malabo na yung relasyon niyo,masa-save niyo parin yung friendship. Yung pakiramdam na hindi ninyo kaya na walayung isa't isa, yung lungkot kapaghindi kayo nagkakausap, yun bang hindi mo siya matiis.

Lunes, Abril 15, 2013

WAG NA WAG MONG IIWAN


Wag na wag mong iiwan ang yung girlfriend ng dahil sa isang away na lumaki lang dahil hindi kaagad kayo nagkabati, ng dahil sa isang tampuhan na pagitan sa inyong dalawa. Wag na wag mo siyang iiwan kung ganon lamang ang rason, wag na wag mo siyang iiwan kahit may mahal na siyang iba, ipilit mo pa din, kasi kung mahal mo talaga siya hindi mo siya papakawalan, kahit sobrang sakit na, lalaban ka pa din para mabalik siya sayo. Wag na wag mo siyang sasaktan para hindi ka niya iwanan.

Wag na wag mong iiwan yung boyfriend mo ng dahil madami siyang ginagawa lang at nawawalan na siya ng oras sayo, ng dahil lamang sa pagseselos mo sa mga kaibigan niya, ng dahil lamang nawala ang tiwala mo sa kanya. Wag na wag mo siyang iiwan ng dahil lamang mas madaming oras siyang binibigay sa paglalaro kesa sayo. Wag na wag mo siyang iiwan. Wag na wag mo siyang iiwan ng dahil lamang feeling mo na hindi ka na niya mahal, mahal ka pa din yan, siguro ngayon hanggang sa salita lang kasi ang dami nga niyang ginagawa, pero mapapatunayan din niya yan na mahal na mahal ka nga niya.

Huwebes, Abril 4, 2013

ANG SAKIT LANG


Masakit. Oo, masakit pakawalan yung taong pinakakaingatan mo para maging masaya sila. Kahit na ano pang gawin mo, wala ka ng magagawa kasi hindi ka na mahalaga sa kanya, kaya eto ka, magpaparaya na lang, kahit na masakit para sayo. Kasi iniisip mo, yun yung ikaliligaya niya, kasi kung mahal mo talaga siya, hindi mo na ipagsiksikan pa yung sarili mo kung hindi na naman siya sayo masaya. Kaya magpaparaya ka na lang kahit masakit sayong makita siyang masaya kasama ang iba samantalang ikaw, sinusubukang magmove n at magsimula ng panibagong buhay. At tanggapin ang fact na, hanggang doon na lang kayo.

PEOPLE CHANGE, BUT MEMORIES LAST FOREVER


Sobrang hirap pakawalan ng memories. Dahil para sayo lahat yun unforgettable lalo na kung unang beses mo palang yun nagagawa sa buong buhay mo.

Kung ayaw kang pakawalan ng memories mo, ikaw na mismo ang mag let go sa kanya, kasi kung hindi baka sumabog na yung utak mo kaka rewind nito. Na alam mo sa sarili mo na hindi na ito muling mangyayari. Hindi naman masamang gumawa ng mga bagong memories eh yung mas masaya, mas mag eenjoy ka, mas sa lahat lahat na.

Kalimutan mo na lahat ng malulungkot na araw ng buhay mo dahil kahait anong gawin mo wala na yang magagawa "PAST IS PAST", "BYGONE IS BYGONE" tangapin nalang natin at matuto sa nakaraan. Oo, sasabihin mong ang dali daling sabihin pero ang hirap gawin. Kung tangap mo naman madali ka nang makakalimot, hindi naman agad agad nakakalimot sabi nga nila "IT TAKES TIME" balang araw mangingiti ka nalang kasi nalagpasan mo na ang lahat nang iyon.

Lahat naman ng masasayang araw na pinag samahan niyo, nakatago yan sa isip at sa puso mo dahil ito ang nagpapasaya rito at hinding hindi mo makakalimutan.

Salamat, sa lahat ng masasaya at malulungkot na panahon, ng dahil dito natuto tayong magpaparaya, matuto at tanggapin ang nakaraan.

Miyerkules, Abril 3, 2013

NEVER EVER GIVE UP


Never ever give up on someone you love. Kung mahal mo talaga ang isang tao, hinding hindi mo siya kayang isuko, wag mong isipin na depende kasi yun sa sitwasyon o kaya depende din sa mga pwedeng mangyari. O baka kasi may iba pa yung nararamdaman namin sa isa't isa. Alam mo bang nangyayari lang yun sa isang kadahilanan. Dahil nagmahal ka ng hindi ka handa. Look, isipin mo, kapag talagang gusto mo ang isang bagay. Hinding hindi mo to bibitawan diba? lalo na kapag sobrang halaga nito sa buhay mo. Ganun din sa pag-ibig, na kahit anong mangyari hinding hindi mo siya isusuko. Oo pwede may mga mangyari, pwede pa mabago, pero ikaw yan eh, ikaw nagmamahal ikaw magdedesisyon, problema at pagsubok? darating at darating yan.

Isang pagsubok lang yun kung saan titignan kung hanggang kaya mo. Kung ikaw ay titibay after mong malagpasan ang mga yun. Oh susuko ka dahil sa hindi mo na kaya? Oo masamang lumaban sa hindi na karapat dapat ilaban. Pero mas masama kung isusuko mo ito ng ganun ganun lang kadali.

Lunes, Abril 1, 2013

BEST FRIEND


Yung inlove ka sa best friend mo tapos siya inlove din sa iba.

Ito na ung kadalasang nangyayari ngayon sa mundo. Na yung sa sobrang malapit ka na sa tao eh dumating sa puntong nahuhulog ka na sa kanya. Ayos lang naman sana kung siya gusto ka rin pero yung masaklap lang eh iba yung gusto ng taong mahal mo. Wala ka pang lakas ng loob na sabihin yung nararamdaman mo. Lage mong pinapakita sa kanya na hanggang kaibigan lang ang tingin mo sa kanya.

At yung mas masakit pa talaga eh yung dumarating sa puntong, ikaw pa yung una niyang takbuhan kapag kailangan niya ng advises para magustuhan siya ng taong gusto niya. Tapos malalaman mo nalang isang araw, effective yung pinagsasabi mo. Kunwari ang saya-saya mo, pero deep inside. Durog na durog ka na pala.

CUTE COUPLE


I want those relationships that you can be very comfortable with each other.

Yung hindi na talaga kayo nahihiya sa isa't isa. Yung sobrang comfortable na parang mag-asawa na kao. Alam niyo na ang lahat tungkol sa isa't isa. Kahit gawin mo yung pagtanggal ng sapatos at medyas niya, o kaya yung pag punas mo sa sipon niya o hindi kaya pangtanggal ng buhok sa kilikili, o gupit ng mga kuko niya, hindi na kayo nagkakahiyaan pa. Ang sarap lang kasi ng feeling na tanggap niyo ang isa't isa, kahit sino at ano pa man sila.