Biyernes, Pebrero 22, 2013

WHY DO THE PEOPLE I LOVE ALWAYS LEAVE ME?


Bakit ka nga ba nila iniwan? Dahil ba sa ayaw na nila sayo? Dahil ba sa nagsawa na sila na makita ka araw araw? O dahil ba sa may nahanap na silang mas higit sayo. Ang sakit diba? Na bigla bigla ka na lang iiwan ng mga taong mahalaga sayo sa ere. Na mas pinili nilang iwan ka kasi may nakita silang mas better sayo. May nakita silang mas higit sayo at alam mo sa sarili mong hindi mo mapapantayan yung taong yun. Yun bang wala ng natitira sayo kundi sarili mo. Wala ng ibang natitira sa mundo kundi ikaw lang. Na ikaw lang pala ang nagpapahalaga sa mga taong mahal mo. Samantalang sila, iba ang pinapahalagahan. Iba ang minamahal at ang sakit lang isipin na hindi ikaw yung taong yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento